> ## Knowledge Base Index
> Fetch the complete knowledge base index at: https://help.skynode.pro/sitemap.xml
> Use this file to discover available pages before exploring further.
> Pure-Markdown content can be obtained by appending a '.md' suffix to the content URLs listed in the sitemap (without the trailing slash).

# Panel | Paano Gamitin ang SFTP para sa iyong mga Files

# Panel | Paano Gamitin ang SFTP para sa iyong mga Files

#### Para magamit ang SFTP. Kailangan mo ng Third Party Program para maka konekta ka sa iyong Server Files. Inirerekomenda namin ang paggamit ng [FileZilla](https://filezilla-project.org/) dahil ito ay user-friendly lalo na sa mga baguhan.

|| TANDAAN: Ang ibang SFTP ay pwede mo ring gamitin tulad ng WinSCP

|| PAALALA: Ang FileZilla sa Mobile Users ay hindi pwedeng gamitin. Para sa mga naka **iOS Devices o Apple** pwede mo niyo gamitin ang  https://apps.apple.com/us/app/ftpmanager-ftp-sftp-client/id525959186 at sa mga **Android Users** ay https://play.google.com/store/apps/details?id=com.arpaplus.adminhands 

||| Atensyon: Ang SFTP ay isang Third Party Software, ang Skynode ay hindi mananagot sa kung ano man ang mangyari sa iyong mga Server Files habang ito ay iyong ginagamit at ayon din sa agreement sa Privacy Terms and Data Handling.

**Step 1:** Siguraduhing na-download at na-install mo na ang SFTP Software sa iyong Device.
  * Ang Kailangan mong i-download ay ang **CLIENT**

**Step 2:** Buksan ang iyong SFTP at kuhain ang iyong Login Credentials na matatagpuan sa `Server Panel > SFTP`

![](https://storage.crisp.chat/users/helpdesk/website/96b07f66ef6ab800/ssusu_1mudrd1.png)

**Server Address** - Host
**Username** - Username
**Port** - Hindi na kailangan lagyan ito dahil magkakaroon na ito nang kusa.

**Step 3:** Sa kanang baba na bahagi, makikita mo ang iyong mga server files. Pwede mo itong i-download, i-delete, at pwede ka rin mag upload ng kung ano man ang gusto mo ilagay sa iyong server na magmumula sa iyong Computer. Mainam na i-drag papunta sa iyong server files ang mga bagay na gusto mong i-upload.

| ![](https://storage.crisp.chat/users/helpdesk/website/96b07f66ef6ab800/filezilla_16vuzwl.png)

### Kung ikaw ay naguguluhan, Meron kaming Video para sa iyo

${youtube}[How to manage files using SFTP](-pGD_y73lio)

#### Kung ikaw ay may katanungan, maari lamang mag open ng ticket sa aming [Discord](https://discord.gg/Y8TsYSm) o sa [Billing Ticket](https://billing.skynode.pro/supporttickets.php). 