This article is also available in:
Panel | Ano ang plan na maganda para sa akin?

Maraming bagay ang makaka-apekto sa mga desisyon na ito pero gagawin nating mas simple para makapili ka nang maayos

Ang mga sumusunod ang dapat mong ikonsidera.
Server Usage - Paano mo ba gagamitin ang Server
Player Count - Dami ng Players
Amounts of Plugins or Mods - Dami ng Plugins or Mods

Server Usage
Ibig sabihin nito, paano mo ba gagamitin ang iyong server. Kung ang Gusto mo lang ay maglaro ng SMP kasama ang iyong mga kaibigan, maganda na ang plan na 2GB Ram para sa 1.8 - 1.12.2 Version, 4 GB naman para sa 1.16.5 to 1.17.1 Version. Pero kung gagamitin mo naman ito para sa maramihang tao at malakihang mga build gaya ng mga redstones build, nirerecommend namin ang Advanced plan namin na nagsisimula sa 6 GB na ram.

Player Count
Ito ay kung gaano karami ang tao na maglalaro sa Server mo, malakas kumain ng Ram pag mas madami ang tao pero ang nirerecommend namin ay 2 GB of ram per 15 players.

Amount of Plugins or Mods
Ang dami ng Plugins or Mods ay malaki din kumonsumo ng Ram kaya naman mas madaming ram ang kakailanganin mo kung gagamit ka nito, kung gagawa ka ng simpleng server na may kaunting ram lamang naman ay sapat na ang Standard Plan (sundin ang nasa Server Usage) pero kung gagamit ka ng maraming mods at maraming plugins ay tiyak na magiging mabigat ang iyong server kaya nirerekomenda namin ang Advanced plan para dito.

Sana ay nakatulong ito para magkaroon ka ng ideya kung anong plan nga ba ang gusto mong piliin, kung hindi ka pa rin makapili at naguguluhan ka, maari kang mag-chat sa aming livechat sa kanang babang bahagi ng website na ito.

Please note: Ang mga nasa taas na impormasyon ay base lamang sa estimation at hindi nangangahulugang totoo. Marami pa rin ang bagay na makaka apekto sa iyong Server gaya nalamang ng View Distance.

Kung ikaw ay may katanungan, maari lamang mag open ng ticket sa aming Discord o sa Billing Ticket.
Was this article helpful?
Cancel
Thank you!