This article is also available in:
Billing | Paano Kanselahin ang iyong Server

Narito ang mga paraan para kanselahin ang iyong server, ang pagkansela ng server ay para lamang sa mga bayad at hindi para sa libre.

Pumunta sa Website na ito: https://billing.skynode.pro/clientarea.php

Sa ilalim ng Dashboard pindutin ang Services.

Piliin ang iyong server na gusto mong ikansela.

Sa kaliwang bahagi, makikita mo ang mga pwede mong gawin at pindutin ang Request Cancellation

Magbigay ng paliwanag kung bakit mo gustong ikansela ang iyong server.

Piliin kung paano mo gustong ikansela ang iyong server. Kapag pinili ang Immediate, makakansela agad ang iyong server, kapag naman End of Billing Period ikakansela ang iyong server sa iyong due date.

Paalala: Kung gumagamit ka ng Paypal Subscription, kailangan mo rin itong ikansela. Narito ang pwede mong sundin kung paano ikansela ang iyong Paypal Subscription. Paano Kanselahin ang iyong Paypal Subscription

Kung ikaw ay may katanungan, maari lamang mag open ng ticket sa aming Discord o sa Billing Ticket.
Was this article helpful?
Cancel
Thank you!